Filipino (First Grading)
Sa loob ng dalawang buwang talakayan sa subject na Filipino….
Ano nga ba ang natutunan ko?
Sa talakayan namin sa subject na Filipino marami akong natutunan at nalaman. Marami kaming ginawang activities katulad na lang ng pag-rereport,paggawa ng play o dula-dulaan at marami pang iba..Sabi ng iba,ang subject na Filipino daw ay napakadali dahil sa lenguaheng Filipino kaya madaling intindihin..Para sa akin naman hindi ko masasabing madali o mahirap ang subject na ito..Dahil may pagkakataong mahirap ito at minsan nama’y madali ito….
Sa unang aralin na aming tinalakay ay tungkol sa maikling kwento at mga ugat ng maikling kwento, at mga sangkap ng maikling kwento.Sa yunit ding ito may tinalakay kaming kwento,ito ay tungkol sa "Suyuan sa tubigan" ni Macario Pineda.Ipinakita at ipinaliwanag dito ang tungkol sa love.Sa aralin 2 tinalakay namin ang kwentong "Si ama" ni Edgardo M. Reyes.Sa kwentong ito ang bidang karakter ay mapride,hindi siya naghihinayang kahit na nahihirapan na siya.At kahit hindi niya makamtan ang maligaya at masayang buhay,gagawin niya lahat basta mapagtapos niya lahat ang kanyang mga anak at hindi siya nangungutang kahit ba gipit na ang kanyang pamilya.
Sa aralin 3 tinalakay namin ang "Ang Sanaysay at ang pagbasa nito".Pinag-aralan din namin ang mga katangian,mga uri,at sangkap ng sanaysay.Sa aralin ding ito binasa din namin ang kwentong "Sanaysaging" ni Epifanio G. Matute.Ang kwentong ito ay pumapatungkol sa kung ang saging ang pambansang pagkain ng Pilipinas.Para sa akin hindi naman importante kung ano dapat ang dapat nating maging pambansang pagkain ang mahalaga ay may makakain tayo at may pagkakaisa tayo para makapagtanim at para may makain tayo.
Sa Aralin 4 tinalakay namin ang "Tula at ang mga elemento nito".Pinag-aralan din namin ang mga sangkap,at elemento ng tula.Sa yunit na ito may binasa kaming tula.Ang tulang ito ay "Ang Bato" ni Jose Corazon de Jesus.Sa tulang ito ay ipinakita ang kahalagahan ng bato sa ating mga buhay.Ipinakita din dito ang mga gamit at kaugnayan sa nakaraan.
Sa aralin 5 tinalakay namin ang "Ang Nobela at ang Pagbasa nito".Binanggit din dito ang mga sangkap ng Nobela at Mga bisang Pamapanitikan para sa Nobela,at ang tatlong bisa ng Nobela.Sa yunit na ito binasa namin ang nobelang " Banaag at Sikat" ni Lope L Santos,pero buod lamang nito.Sa Nobelang ito ay tungkol sa mga problema sa pagtratrabaho.At ipinakita din dito ang hindi pantay-pantay na pagtingin ng mga taong mayayaman.
Sa aming Librong Obra Maestra ang nobelang sinulat ni Jose Rizal ang"Noli Me Tangere".Sa nobelang ito marami akong nai-relate sa aking buhay.Sa mga pangyayari noong unang panahon kung ito’y ikukumpara ngayon makikita mong malaki ang ipinagbago.Dahil noon ay grabe pa ang mga taong namamahala sa isang lugar at napaka-grabe ang parusa kung ito’y nagkasala.Sa aking palagay kung ako ang nabuhay noong kapanahunan pa ni Rizal siguro hindi na ako maliligtas at hindi ko kakayanin ang mga pangyayari noon.
